ni Ambet Nabus
PARA namang maamong anghel si Georgina Wilson ayon sa aming katsika na nakapag-interview sa kontrobersiyal na star-host during the launch daw ng librong isinulat nila ng kaibigang si Solenn Heusaff.
“Wala talaga siyang sinabi maliban sa bahala na raw ang lawyer niya at nakapag-usap na sila ng manager niya,” sey ng aming source hinggil sa isyung idedemanda nga ito ng manager na nasaktan dahil sa pagiging unprofessional nito at pag-rekta ng usap sa isang kilalang brand ng mga gadget at appliances na naging endorser/model siya.
“Ang ganda-ganda pa naman niyang babae at aakalain mong mabait at hindi gagawa ng pangit. Mukhang feeling sikat na yata siya ‘te kaya may mga emote siyang keri na niya ang mga intriga,” susog pa ng kausap namin.
Well, ikaw na ang napapanood sa buong Asia at nakakapag-rampa ng kagandahan hahaha!