ni Alex Brosas
VICE Ganda’s statement, ”Kaninong addict nanggaling ‘yan,” bilang reaction sa rumored animosity nila ni Kris Aquino reeks of cheapness.
Rumormongers are not addict, Vice.
The stand-up comedian conveniently forgot na kung walang sunog ay walang usok. Ano ‘yon, inimbento lang ang away nila para magkaroon lang ng issue between them? Ganoon ba ‘yon, Vice Ganda?
Mas kapani-paniwala siguro para sa amin kung sinabi na lang ni Vice na mayroon silang munting tampuhan ni Kris. Mas katanggap-tanggap ‘yon.
Unang-una, kung wala silang gap ni Kris, bakit hindi nagre-react ang Queen of Talk gayong mapagpatol siya sa mga issue at publicity-hungry naman siya? Si Vice nasa US nang pumutok ang isyung nag-away sila ni Kris over statement shirts pero si Kris na naririto sa bansa ay walang reaction. Hindi ba’t kataka-taka ‘yon?
Anyway, mas pinaniniwalaan namin ang chikang pinag-usap sila ng manager nilang siDeo Endrinal dahil hindi nga naman magandang tingnan na ang dalawang prime artists ng Dos ay nag-aaway.