ni Alex Brosas
IMBIYERNA raw ang beauty ni Vice Ganda kay Kris Aquino dahil sa katrayduran umano ni Kris sa kanya.
Rumours have it na inunahan ni Kris si Vice sa statement T-shirts idea nito. Si Vice pala ang may idea na maglabas ng nasabing T-shirts pero tila naunahan siyang maglabas ni Kris.
If this is true, mayroon ngang karapatang ma-hurt si Vice Ganda, ‘no! Imagine, idea mo tapos uunahan ka, ano siya sinusuwerte?!
Anyway, ayaw pang magsalita ni Vice tungkol dito, mukhang hindi pa siya ready.
What he is ready to answer ay ang allegations na he’s romancing with Kurt Ong, Mr. Chinatown 2014. Itinanggi ni Vice sa isang interview na mayroong something romantic sa kanila. All there is friendship.
Ganoon?
Napilitan magsalita si Vice nang kumalat na ang chikang magdyowa sila ni Kurt. Ibinuking kasi ni ni Coco Martin when he guested sa Gandang Gabi, Vice na he’s romancing a Chinese model and pageant winner.