Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nasaan na nga ba ang manager ng Sexbomb na si Joy Cancio?

ni Vir Gonzales

041315 joy cancio

NASAAN na nga ba si Daisy Siete producer Joy Cancio? Bakit bibihira na siyang makita at marinig simula noong magkawatak-watak ang grupong Sexbomb Dancers?

Si Joy ang producer ng Daisy Siete at nag-uso ng pamimigay ng mga souvenirs sa mga naiimbitahang press sa presscon. Hindi niya alintana, kung gaka-ba (gate crashers) ang pumupunta sa presscon ng mga alaga niya. Katwiran ng producer, basta hindi sa pader isinusulat o sa lupa, ang balita ukol sa Sexbomb, mga reporter pa rin ang mga iyon.

Pero ang tragedy lang sa showbiz, kung malakas ang rating mo, o mahina titigbakin ka pa rin kapag hindi nagustuhan ng mga higanteng bossing ng network. Biglang nawala ang Daisy Siete sa hindi malamang dahilan sa ere. Ang mahalaga, nakapag-iwan ng contribution ang kanyang Sexbomb.

Hindi malilimutan ng tao ang mga naging alaga niyang sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Che Che, Sandy Tolentino, Louise Bolton, Weng, Monica,Aira Bermudez at marami pang iba. Isa-isang nasagip ni Joy ang mga dating kabataang pasayaw-sayaw lang pero ngayon umaarte na.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …