Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prenuptial agreement, no-no kay Toni; pagsasama hanggang kamatayan ipinagdarasal

ni Roldan Castro

012915 direk paul soriano toni

WALA sa utak ni Toni Gonzaga ang prenuptial agreement sa mapapangasawa niyang si Direk Paul Soriano. Napaisip lag siya noong itanong iyon sa kanya.

“Dapat ba may ganoon talaga? Kasi iniisip ko hindi naman ako mga Zobel, mga Ayala to do prenup. Normal lang naman ako, kung ano ang mayroon ako, pinaghirapan ko,” bulalas niya sa The Buzz.

Ang gusto niyang mangyari at ipinagdarasal niya ay mag-work ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang kamatayan.

“I’d rather put my faith in God and to the person I’m marrying and keep on praying that it will work forever,” bulalas pa niya.

Hindi rin daw nila napag-uusapan ni Direk Paul ang tungkol dito. Wala ring balak ang direktor ng Kid Kulapo na pakialaman ang pera ni Toni at napagtrabahuan niya.

Tungkol naman sa virginity ni Toni. ”Alam mo naman ang Pilipinas, Supreme Court, maraming maghuhusga. Sa akin na ‘yon, sa akin na ng asawa ko. Malalaman niyo pagkatapos ng ‘I Do,’” deklara niya.

Talbog!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …