Tuesday , December 24 2024

Direk Paul, tanggap na hindi lang si Toni ang pakakasalan (Buong pamilya ng aktres, okey isama sa honeymoon)

020515 Paul SorianoToni Gonzaga

00 fact sheet reggeeINAMIN na ni Direk Paul Soriano na sa Hunyo 12 ang kasal nila ni Toni Gonzaga dahil importante raw ang araw na ito sa kanila. Sabi ni direk Paul nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon ng Kid Kulafu noong Lunes sa Dolphy Theater.

“June 12 is our 8th year together, so Independence Day din ‘yun, it is our anniversary.”

Nasulat namin dito sa Hataw na sa Hunyo 12 nga ang kasal nina direk Paul at Toni pero hindi ito inamin ng dalaga nang tanungin siya sa presscon ng You’re My Boss.

Sa totoo lang, mas gustong pag-usapan ni direk Paul ang latest film niyang Kid Kulafu na halaw sa buhay ni Manny Pacquiao dahil maganda raw ito at interesting ang istorya ng ating Pambansang Kamao.

Ang bida raw sa Kid Kulafu ay si Buboy Villar at susuportahan siya ninaAlessandra de Rossi, Alex Medina, Khalil Ramos, Igi Boy Flores, at Cesar Montano mula sa panulat ni Froilan Medina at creative consultant naman siAmor Olaguer at fight director na si Erwin Tagle mula sa ABS-CBN, Star Cinema, at Ten17 Productions na mapapanood na sa Abril 15, Miyerkoles.

Pero hindi pa rin nakaiwas si direk Paul nang tanungin siya kung paano nila napaghandaan ni Toni ang kanilang nalalapit na kasal gayung pareho silang busy.

“To be honest, Toni been very busy, I’ve been very busy, I just came from LA (Los Angeles), Toni left for Australia, so I think the only time we’re gonna really sit down and plan this wedding is when she comes back.

“(But) I know, she chose a dress already (Vera Wang wedding gown), I’m very behind, I haven’t even pick a suit yet, anything like that. I’m gonna work on that I think after the movie comes out ‘Kid Kulafu’. I’ll start focusing on the details.

“But for me, my attitude for the wedding is I’ll just follow, whatever Toni wants, I would do my best to give it to her,” kuwento ng direktor.

Excited na nga raw si direk Paul sa nalalapit nilang kasal ng aktres, ”of course naman, very excited ako, it’s a new chapter in my life, you know, forever na ‘yun.”

At ang sikreto raw ng relasyon nina direk Paul at Toni ay, ”Faith in God, that’s true, that’s the only reason why we’ve been together this long, if it’s just US, wala na. If it’s just ourselves, it’s difficult you know, so ‘yun.”

Samantala, natanong si direk Paul kung may pre-nup sila ni Toni at natawa siya,”ha, ha, ha, ha, well honestly, I feel that let’s not talk about that, some other time if possible, (let’s) focuse on ‘Kid Kulafu’ now, in fairness, it’s a small movie so we need all the promotions we can get, so (please) let’s talk about the movie now.”

Nabanggit namin kay direk Paul na finally ay masosolo na niya sa ibang bansa si Toni para sa kanilang honeymoon, ”(Yeah) It’s our first time to do a solo trip, ‘di ba? So, far away from Mommy Pinty! So they can’t follow, hindi, joke lang!”natawang sabi ni direk Paul.

Okay lang sumama ang buong pamilya ni Toni sa honeymoon nila? ”Okay lang, I’ve learned to accept the fact na marrying Toni means marrying all her family.”

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *