ni Alex Brosas
NAUWI sa hiwalayan ang tatlong taong relasyon nina Ara Mina at Bulacan mayor Patrick Meneses.
Mayroong nagchika sa aming naghiwalay sila bago pa man ang Holy Week. Matapos mag-dinner sa isang restaurant sa Quezon City last March 22, nakitang lumabas sina Ara at Patrick pero halatang magkalayo sila.
Mugtong-mugto raw ang mga mata ni Ara, halatang galing sa matinding pag-iyak. Si Mayor Patrick daw ang nakipaghiwalay kay Ara.
Noong December 17 ay ipinanganak ni Ara si baby Mandy o Amanda Gabrielle. Lately ay panay ang chika niya sa interview na pinag-uusapan na nila ni Patrick ang kasal. Willing pa nga siyang magpabuntis uli kay Patrick.