TAMPA, Fla. (AP) — Inihayag ni Maxxzandra Ford na inasahan niyang magsisilang siya ng malaking sanggol, ngunit hindi niya inakala na ito ay aabot ng 14.1 pounds ang timbang.
Ito ay ‘double surprise’ sa Florida mom na hindi alam na siya ay buntis hanggang sa kanyang third trimester.
Sinabi ni Ford sa TV station WFLA, “her feet never swelled, never was really that tired, my back didn’t hurt so obviously I didn’t think anything of it,”
Aniya, bumilis ang pagbigat ng kanyang timbang nitong last fall. Sa puntong ito, kinompirma ng mga doktor na siya ay mahigit walong buwan nang buntis.
Inakala ni Ford, may anak na ring isang taon gulang at 5-anyos, na siya ay magkakaanak ng kambal.
Makaraan ang 18 hours ng labor, nagsilang nang natural si Ford sa St. Joseph’s Women’s Hospital sa Tampa noong Enero 29. Sinabi ng hospital officials, si Avery ang pinakamabigat na sanggol na isinilang sa nasabing ospital, “and one of the largest-ever born in the state.”