Thursday , June 4 2026

Samboy bumubuti ang kalagayan

113014 SAMBOY LIM

INAMIN ng misis ni Samboy Lim na si Lelen Berberabe na masasabing milagro ang paggaling ng kanyang asawang dating PBA superstar.

Sa panayam ng programang Bandila sa ABS-CBN noong Martes ng gabi, kinompirma ni Berberabe na nagre-react ngayon si Lim sa mga “stimuli” tulad ng kaunting pagsasalita at pagkanta ng mga paborito niyang awitin.

“Natutuwa kami kasi mayroon siyang naalala at nasasabi niya. Hindi pa lang namin nate-test kung may boses siya,” wika ni Berberabe. “Even our doctors say that it’s a miracle. Sam is now undergoing physical therapy.”

Nagpapahinga ngayon si Lim sa kanyang bahay pagkatapos na na-discharge siya mula sa Medical City sa Ortigas kung saan doon siya na-confine dulot ng kanyang pagkahimatay sa isang tune-up na laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig noong Nobyembre. (James Ty III)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …