Monday , December 23 2024

Hepe ng SAF-PNP sinibak

napeñasSINIBAK sa puwesto si PNP-Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napenas dahil sa madugong ‘misencounter’ ng mga pulis at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Mismong si PNP OIC chief Deputy Director General Leonardo Espina ang nagkompirma sa administrative relief kay Napenas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry (BOI).

Itinalaga ni Espina bilang officer-in-charge ng PNP-SAF si Chief Supt. Noli Talino.

Giit ni Espina, sakaling mapatunayang may lapses sa hanay ng mga opisyal kaugnay sa nasabing operasyon ay mananagot ang nasabing mga opisyal.

Si Espina ang mangunguna sa nasabing imbestigasyon at makatutuwang niya si CIDG chief Director Benjamin Magalong.

Nabatid na ang operasyon ng PNP-SAF ay para maaresto ang top Jemaah Islamiyah bomb expert na si Marwan at si Basit Usman.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *