Thursday , December 1 2022

Pagmasaker sa mga pulis sa Maguindanao ‘isolated case?’

00 pulis joeyPUTANG ama naman….

“Isolated case” lang daw ang nangyaring pagmasaker ng armadong grupong MILF at BIFF sa mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Maguindanao.

Kasi hindi raw nakipag-coordinate ang mga pulis sa MILF. Basta lang daw pumasok sa kanilang teritoryo.

Sa ulat ng Inquirer kahapon, 64 na ang bilang ng mga napatay sa pagratrat ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa grupo ng mga pulis na nagsilbi ng arrest warrant sa dalawang miyembro ng terorista na nasa kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ang breakaway group ng MILF.

Isolated lang ba na maituturing ang ganito karaming casualties? Wala na bang kuwenta ang buhay para sa kanila?

Ibig bang sabihin ay ganun na lang? Walang gagawin ang gobyerno para maibawi at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ating mga pulis?

E, hindi naman umano sinasadya ng mga pulis na makapasok sa teritoryo ng MILF. Nangyari lamang na tinambangan sila ng BIFF at napaatras sa kampo ng MILF. Ang dapat ginawa ng MILF ay binalaan muna ang mga pulis hindi yung pinaulanan agad ng bala.

Sabi nga ni dating Manila Mayor Atty. Alfredo Lim, isang retiradong 2-star Police General, dapat gumawa agad ng matapang na aksyon ang pamahalaan. Hindi yung basta ganun na lang na nagsasawalang-kibo.

“Noong panahon ko sa WPD (MPD ngayon), kapag may isang pulis na pinatay, ang kaagad na order ko sa lahat ng field commanders ay iwanan muna nila ang kanilang mga ginagawa para tugisin ang pumaslang sa pulis. Kaya nauuna pang ilibing ang pumatay sa pinatay na pulis e. Hindi puwede ganun na lang, Napakaraming pulis ang pinatay in line of duty, dapat mag-retaliate ang gobyerno!” nanggagalaiti na pahayag ni Lim.

Ang problema kasi ngayon sa ating gobyerno ay “Noynoying” ang presidente. Pinagpapapatay na ang mga sundalo at pulis, ang reaksyon ng Commander in Chief ay pakikipag-usap lang. Kaya lalong lumalaki ang ulo ng liderato ng mga armadong grupo ng MILF, BIFF at MNLF eh!

Ang katuwiran kasi ni PNoy, kapag gumanti raw ay walang katapusan na patayan ang mangyayari. Maraming buhay lang ang malalagas.

Ibig nya yatang sabihin ay hayaan nalang pagpapatayin ang ating mga sundalo at pulis. Bakla!!!

Brgy. 649 officials at MPD-PS5 pakinggan n’yo ito…

– Gandang araw po, Mr. Venancio. Panawagan ko lang po sa aming Barangay Chairman dito sa Brgy. 649, Baseco, Port Area, Manila: Paki-aksiyunan naman po yung mga tambay sa umaga po nasa Blk. 9 sila nang-aabang ng mga estudyante. Binubugbog nila ang mga bata kahit walang kasalanan. Pag tanghali naman nasa Benigno High chool naman sila. Pag gabi doon uli sila sa Blk 9 nag-aabang. Pinagtitripan ang mga estudyante. Sana po pakibantayan naman sa mga barangay tanod at magtalaga naman ng pulis sa mga lugar na ito. Kawawa naman yung mga sinasaktan nila. May mga dala pa silang patalim. Baka kasi makasaksak sila. Sana makarating ito kay Chairman at sa hepe ng pulisya dito. Salamat po. Huwag nyo nalang ilabas ang numero ko. Isa po akong magulang ng mag-aaral dito sa Benigno High School. – Concerned parent

Dapat talaga magtalaga ng mga barangay tanod at pulis d’yan sa naturang paaralan para pangalagaan ang seguridad ng mga mag-aaral dahil daming drug addict dyan!

Northern Police wala rin natanggap na allowance sa Papal visit

– Sir Joey, kami rin dito sa NPD-Valenzuela City Police Station ay wala pong natanggap na allowance sa pagbisita ni Pope. Tatlong meal na panis, wala naman po sigurong P2,400 yun diba? Sana bigyan din ng linaw yung 8% tax sa Performance Base Bonus ng pulis kung saan napunta? Samantalang sa mga teacher at AFP tax free ang PBB nila. – 0933667….

OIC PNP Chief Leonardo Espina, General, Sir, paki-imbestiga lang po ng sumbong na ito ng pulis ng NPD.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

DOJ, na-‘wow, mali’ kay Bantag

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NANANATILING kompiyansa ang Department of Finance (DOF) na bababa …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

 “You are my under watch!”

AKSYON AGADni Almar Danguilan BABALA ito ni bagong talagang Bureau of Fire Protection National Capital …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bigyang-pugay ang bagong BIR chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NABABAHALA sa walang kahirap-hirap na pagkakaroon ng access ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Makataong anti-illegal drug campaign ni PBBM, nakaisa ng shabu lab

AKSYON AGADni Almar Danguilan PUWEDENG-PUWEDE naman pala e. Ang alin? Ang malinis na pagpapatupad ng …

Jacinto Bustamante Benjamin Bauto Chess

Tagumpay sa Tagaytay City

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino NAGING matagumpay ang pagbubukas ng Asian Juniors and Girls Chess Championship …

Leave a Reply