Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magdyowang tulak binistay ng 4 armado

112514 deadCAMP OLIVAS, Pampanga – Agad binawian ng buhay ang mag-live-in partner makaraan pagbabarilin ng apat armadong kalalakihan kamakalawa ng umaga saPurok 6, Brgy. Cansinala, bayan ng Apalit.

Base sa ulat ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Acting Central Luzon Police director, Chief Supt. Ronald Santos, kinilala ang mga biktimang sina CarolineArceo y Dalusung, 35, at Henry Dalusung y Centino, 50, parehong taga Purok 4, Brgy. Cansinala, Apalit Pampanga.

Ayon sa pulisya dakong 10 a.m. habang pauwi na ang mag-live in partner sa Brgy. Cansinala sakay ng motorsiklo, nang sabayan sila ng mga suspek at sila ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo patungong San Simon. Nabatid na ang mga biktima ay nasa target list ng pulisya sa bayan ng Apalit at Apalit bunsod ng illegal drug activities.

L. Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …