2-anyos paslit ibinenta ng sariling ina?

112414 kambal abusedVIGAN CITY – Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur, ang sinasabing pagbebenta ng isang ginang sa sarili niyang 2-anyos na anak.

Kinilala ang ginang na si Madeline Vicencio, re-sidente ng Sitio Vicencio, Brgy. Taleb sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon, pinaiimbestigahan ni Chief Inspector Greg Guerero, chief of police ng PNP-Bantay, ang nasabing insidente.

Testimonya ng mga kapitbahay ng ginang, hindi nag-aalala at tila tuwang-tuwa pa siya hinggil sa pagkawala ng paslit.

Samantala, may mga naunang espekulasyon na natangay sa malakas na agos ng tubig ng irigasyon sa lugar ang biktima.