Saturday , November 23 2024

10 patay sa gumuhong warehouse

waltermart plaridelPINAIIMBESTIGAHAN ni Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio Cruz Jr., ang naganap na pagguho ng warehouse building sa Brgy. Ilang-Ilang ng naturang bayan kahapon.

Ayon kay Cruz, nasa area na ang mga imbestigador, ilang minuto makaraan nilang matanggap ang ulat.

Sa inisyal na pagtatanong ng alkalde, sampu na ang naitalang namatay sa insidente.

Bukod sa mga namatay, marami pa ang nasugatan na nilalapatan ng lunas sa ospital.

Ayon kay Guiguinto Chief of Police Ernesto Cruz, mga construction worker ang mga biktima na nagtatrabaho nang biglang makarinig nang malakas na dagundong at sinundan ng pagbagsak ng estruktura.

Inaalam pa kung kabilang sa trabahador ang isang menor de edad na kasama sa mga nasugatan. Hinihintay ng lokal na pamahalaan ang final report upang mapana-got ang posibleng nakulang sa insidente.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *