This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAIIMBESTIGAHAN ni Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio Cruz Jr., ang naganap na pagguho ng warehouse building sa Brgy. Ilang-Ilang ng naturang bayan kahapon.
Ayon kay Cruz, nasa area na ang mga imbestigador, ilang minuto makaraan nilang matanggap ang ulat.
Sa inisyal na pagtatanong ng alkalde, sampu na ang naitalang namatay sa insidente.
Bukod sa mga namatay, marami pa ang nasugatan na nilalapatan ng lunas sa ospital.
Ayon kay Guiguinto Chief of Police Ernesto Cruz, mga construction worker ang mga biktima na nagtatrabaho nang biglang makarinig nang malakas na dagundong at sinundan ng pagbagsak ng estruktura.
Inaalam pa kung kabilang sa trabahador ang isang menor de edad na kasama sa mga nasugatan. Hinihintay ng lokal na pamahalaan ang final report upang mapana-got ang posibleng nakulang sa insidente.