Sunday , April 28 2024

Stepdaughter ‘trinabaho’ ng obrero

101614 rape girl abusedREHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng isang obrero nang ipakulong ng kanyang stepdaughter makaraan pagparausan ang biktima habang natutulog sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Floromarine Leones, 35, ng Sampalukan St., Susano Road, Brgy. Deparo ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).

Batay sa ulat ni PO3 Wency Dela Cruz, ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police, dakong 1:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktimang si Belle, 15-anyos, sinamantala ng suspek na palagay na ang kanyang loob sa kinakasama ng kanyang ina kaya malayang nakapapasok sa kwarto.

Hindi akalain ng biktima na pagsasamantahan siya ng suspek.

Naaktuhan ang insidente ng isang kasama sa bahay na si Hemerson Pagobo na agad nagsumbong sa ina ng biktima.

Mabilis na humingi ng tulong sa mga pulis ang ina ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *