This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAGA CITY – Matinding trauma ang nararanasan ngayon ng isang 20-anyos biktima makaraan gahasain ng isang lalaki sa Tayabas, Quezon.
Ayon sa ulat, nasa loob ng bahay nila ang biktima nang mapansin na may tao sa kanilang kusina.
Sa pagtataka ay tinungo ang bahagi ng bahay at doon nakita ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Juan. Napansin ng suspek ang biktima at tinanong kung sino ang kasama sa bahay.
Nang mapagtanto ng suspek na mag-isa ang biktima ay doon na tinutukan ng kutsilyo sa leeg at tinakot na papatayin.
Nabatid na kumuha ang suspek ng isang aluminum foil at doon nilagyan ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, sinindihan ng lighter at pwersahang pinaamoy ang usok nito sa biktima.
Nang mawalan ng malay ang babae ay walang awa siyang ginahasa ng suspek.
Nagising na lamang ang biktima na wala nang kahit na anong kasuotan sa katawan.