NAGING madugo ang selebrasyon ng Pasko ng isang binatilyo nang barilin siya sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang kapatid kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Orlando Patacsil, 17, residente ng #157 Salmon St., Brgy. 6 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.
Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, dakong 9:40 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Salmon at Tejada Alley, ng nasabing barangay.
Kakwentuhan ng biktima at kuya niyang si Fernando at ilang ka-tropa sa lugar nang dumating ang suspek na may kasama at walang sabi-sabing pinaputukan si Patacsil sa ulo at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang salarin.
Patuloy ang g imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Rommel Sales