Sunday , December 5 2021

Dalagita ginahasa ng pinsan sa fishpond

101614 rape girl abusedLA UNION – Isinugod sa ospital ang isang 16-anyos dalagita makaraan gahasain ng kanyang pinsan sa bayan ng Bauang, La Union, sa mismong araw ng Pasko.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, nakipag-inoman at nakipaglaro ang dalagita ng tagu-taguan sa kanyang mga pinsan makaraan ang Simbang Gabi at Noche Buena.

Pagkatapos nito, kumuha ang biktima ng kumot sa loob ng bahay upang ibigay sa kanyang pinsan at suspek na si Jerick Baladong, 19-anyos.

Ngunit bigla na lamang hinila ng suspek ang biktima at dinala sa fishpond kung saan ginawa ang kahalayan.

Ayon sa mga pinsan ng biktima, nakita nila ang paghila ng suspek sa dalagita ngunit hindi nila sinundan.

Dakong 1 a.m. nang matagpuan ang biktima sa ilalim ng punong-kahoy na wala nang pang-ibabang saplot.

Natagpuan din sa tabi niya ang underwear at shorts ng nabanggit na suspek.

Agad inaresto at ikinulong ng mga awtoridad si Baladong makaraan magsumbong ang dalagita na ngayon ay patuloy na isinasailalim sa pagsusuri.

About hataw tabloid

Check Also

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa …

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng …

2 babaeng miyembro ng kulto minolestiya
‘FAKE HEALER’ KALABOSO SA ABUSO

ARESTADO ang lider ng isang pinaniniwalaang kulto sa bayan ng Asturias, lalawigan ng Cebu dahil …

Manny Asuncion

Sa pagpatay sa labor leader
MURDER VS 17 PARAK SA BLOODY SUNDAY

NAHAHARAP sa kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpatay kay labor leader Manny …

Leave a Reply