Sunday , November 28 2021

Binatilyo binoga sa ulo

090414 gun dead thiefNAGING madugo ang selebrasyon ng Pasko ng isang binatilyo nang barilin siya sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang kapatid kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Orlando Patacsil, 17, residente ng #157 Salmon St., Brgy. 6 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, dakong 9:40 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Salmon at Tejada Alley, ng nasabing barangay.

Kakwentuhan ng biktima at kuya niyang si Fernando at ilang ka-tropa sa lugar nang dumating ang suspek na may kasama at walang sabi-sabing pinaputukan si Patacsil sa ulo at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang salarin.

Patuloy ang g imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply