ni Pilar Mateo
OLDIES yes! And definitely goodies!
Matagal nang gumawa ng pangalan si direk Willie Mayo sa industriya ng pelikula. And every now and then, basta may pagkakataon at may magandang proyekto at may generous na producers like Randy and Marilou Nonato with Rylan Flores-umaariba ang produksiyon na gaya ng Cosmic Raven Ventures Productions para maghandog ng kanilang klase ng entertainment.
And this time, comedy ito na tatampukan ng may sinasabi na rin sa larangan ng pag-arte likeLeo Martinez, Bembol Roco, Pen Medina, Rez Cortez, Soxie Topacio, at Boy Alano withIsabel Granada, Archi Adamos and Rylan Flores.
Portraying Asiong Salonpas, kasama ang kanyang band of ‘senior citizen’ criminals, parang palos ang gang nila na ‘di matimbog-timbog ng mga awtoridad. Hanggang dumating na ang sukdulan at masusukol na sila ng hustisya.
Ang tanong eh, kung ano ba naman ang reaksiyon ng mga pamilya nila sa mga pinagdaanan nila.
Old school laugh ang mararanasan sa pelikula sa temang ‘crime does not pay’ at ang basic Golden Rule.
Ang habulan at tawanan ng Gangster Lolo ay nagsimula na noong November 19 sa inyong mga paboritong sinehan.