OKAY na sina Derek Ramsay at asawa nitong si Mary Joy dahil iniurong na raw ng huli ang demanda niya at nagkasundo na tungkol sa pag-aalaga ng kanilang anak.
Alam ng lahat na magkaibigan sina Kris Aquino at Derek kaya natanong ang TV host/actress kung pinayuhan niya ang aktor tungkol dito since pareho sila ng pinagdaanan noon sa ex-husband nitong si James Yap.
“Marami akong nai-share sa kanya (Derek) about it and I just said, na ‘Derek look at me and James, who would ever thought na kaya naming mag-share ng parenting?
“Naayos namin the situation, but it took time and it took effort for both ends, parang ngayon na naramdaman ni Bimb na wala ng tampo, wala ng hinanakit, mas naging maluwag siya.
“Heto ha, sasabihin ko talaga, I really have to give credit to James girlfriend (Michella Cazzola) kasi I think malaking bagay talaga kung sino ‘yung bagong partner kung magiging mabait sa anak mo at kung tutuusin, si Josh, step son lang, pero they always include him.
“’Pag ganoon na nakikita kong maligaya, masaya (mga anak), magaan para sa akin at hindi ako ‘yung (aayaw). Mas gumanda ang relationship namin kasi we can communicate openly and freely tapos super na proud ako for my son noong pumunta si James at nag-basketball exhibition, so parang natuwa ako kasi isa ‘yun sa pinag-awayan namin dati kasi hindi niya ginawan ng time two-years ago.
“Pero ngayon, super tuwang-tuwa ako kasi kita ko ‘yung pride ng anak namin. This is what I’m telling Derek na at the end of the day what you want to happen is your son to grow up feeling loved, secure and to have closeness.
“Kasi ‘di ba, inaamin naman ni Derek na sa buong buhay niya, limang beses palang sila nagsasama.
“Coming from a mother to a son, napaka-importante ng parental figure na lalaki and kahit sinong nanay kung nagkukusa naman ‘yung tatay at nagsi-share sa responsibility, both financially and physical responsibility dapat i-welcome mo ‘yun at ‘yun ang natutuhan ko, I’ve learned not to be selfish the love of my son kasi he (Bimby) is so much happier and I also embrace rin kasi si James respect boundaries also. So I hope Derek takes his cue from us kasi its possible. Siguro mas malala pa ‘yung pinagdaanan namin kaysa ‘yung pinagdaanan nina Derek at Mary.
“Siguro maayos talaga kasi nasa tamang lugar naman ang intentions nila para roon sa anak nila,” pagtatapat ng Queen of All Media.
Samantala, pormal ng bubuksan ang Chowking branch ni Kris sa Alimall Cubao, Quezon City sa Nobyembre 28 at excited siya dahil finally may negosyo na raw siya kasama ang partner nitong si Dominic Hernandez na kasosyo rin ni Sam Milby sa Prost Restaurant sa The Fortstrip at Third District coffee shop, Katipunan, Quezon City.
Kuwento ni Kris, nagkaroon daw siya ng idea nang sabihan siya ng manager/kaibigan at confidante niyang si Boy Abunda na kailangan nilang ihanda ang kanilang future dahil ‘pag nagkasakit sila at hindi nakapasok ay wala silang suweldo.
Ang kinita raw ni Kris sa My Little Bossings ang ipinambili niya ng franchise ng nasabing fast food chain.
“Maging realistic ka talaga at parati kong sinasabi sa mga kapatid ko, sa mga anak ko na by the time na dumating ang 2016, grabe na rin ‘yung run that I have, I’ve been 30 years, so kung doon matatapos, a new chapter of my life na rin ang magbubukas, okay din.
“Pero kung puwede pang magpatuloy, okay din naman, pero gusto ko rin naman talaga to make sure na mayroon ding naipundar to take care of my two sons, because Bimb will be 9 years old and alam naman ng lahat that Josh need life long care, so this is the start.
“Importante na ang pasukin kong negosyo, kasi ‘di ba, you hear so many artista na pumasok sa negosyo na hindi naalagaan kasi hindi namin expertise ‘yun. Expertise namin mga sarili namin.
“Ito (Chowking), this is a welcome opportunity for me kasi naramdaman ko na mayroon na silang proven na parang formula for success, secondly, I trust them, nagustuhan ko ‘yung mga tao behind the brand and third, I trust my partner,” kuwento ni Tetay.
At sa opening day ng Chowking ni Kris ay wala raw siyang imbitadong kaibigan.
Tumatawang sagot ng TV host, “ay wala akong i-invite (friends and families) kasi ililibre ko pa sila, kailangan lahat magbayad sa opening day! Ire-require ko lahat magbabayad.”
ni Reggee Bonoan