Saturday , November 23 2024

ABS-CBN, panalo ng Gold Stevie Award sa International Business Awards (Nominado rin sa People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies…)

090114 stevies iba abs cbn

00 SHOWBIZ ms mMATAPOS magwagi sa Asia Pacific Stevie Awards, panalo ang ABS-CBN ng Gold Stevie Award sa kategoryang Company of the Year – Media & Entertainment sa ika-11 taunang International Business Awards (IBAs). Gaganapin ang awards night nito sa Paris, France sa Oktubre 10.

Dahil sa pagkilalang natanggap nito, dala rin ng ABS-CBN ang pangalan ng Pilipinas sa People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies sa Media & Entertainment category laban sa silver at bronze Stevie winners mula sa UK at US sa nasabing kategorya. Ang kompanya na makakakuha ng pinakamaraming boto ang siyang bibigyan ng People’s Choice Stevie Award.

Para bumoto para sa nag-iisang Philippine media company sa kompetisyon, pumunta lang sa favorite companies.stevieawards.com/default.cfm, i-click ang Media & Entertainment category, at piliin ang ABS-CBN Corporation. Magtatapos ang botohan sa Setyembre 12.

Ang IBAs ang nangungunang business awards program sa buong mundo at maaaring sumali rito ang kahit sinong indibidwal at lahat ng uri ng organisasyon. Nakatanggap ito ng entries mula sa higit sa 60 bansa ngayong taon, kabilang na ang Pilipinas.

Pinagkalooban ng Gold Stevie Award ang ABS-CBN para sa mga natamo nitong tagumpay noong nakaraang taon, kabilang na ang pamamayagpag sa TV ratings, pagtabo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kompanya, paglulunsad ng mga bagong negosyo gaya ng ABS-CBNmobile, theme park na Kidzania Manila, at ang TV home shopping channel na O Shopping, pagbibigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign para sa mga nasalanta ng Yolanda at iba pang relief at rehabilitation efforts para sa mga biktima ng iba pang mga sakuna, at ang matagumpay na pagdiriwang nito ng ika-60 taon ng Philippine TV.

Higit sa 3,500 na nominasyon mula sa sari-saring organisasyon ang natanggap ng IBAs sa halos lahat ng uri ng industriya para sa iba’t ibang kategorya, kabilang na ang Company of the Year, Website of the Year, Best New Product or Service of the Year, Corporate Social Responsibility Program of the Year, at Executive of the Year.

Ang mga nagwagi naman ng Stevie Award ay masusing pinili ng higit sa 250 na executives sa buong mundo na naging bahagi ng judging process mula Mayo hanggang Agosto ngayong taon.

Noong Mayo naman, nauna nang pinangaralan ang ABS-CBN ng Grand Stevie Award sa Asia-Pacific Stevie Awards bilang ang kaisa-isang kompanya mula sa Pilipinas na nakuha ang pinakamataas na parangal na iginawad sa limang bansa sa Asia-Pacific region. Nagwagi rin ito ng Gold Stevie Award sa Services Company of the Year, habang pinangalanan namang Woman of the Year ang ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea).

ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *