Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Kim, muling pinarangalan

081914 kim coco
00 fact sheet reggeeMULINGumani ng parangal ang lead stars ng ng top rating teleseryeng Ikaw Lamang na sina Coco Martin at Kim Chiu. Matapos tanghaling Grand Slam Best Actor at Actress and Celebrity of the Year ng Yahoo OMG Celebrity Awards ay muling binigyan ng parangal sina Coco at Kim ng 4th Eduk Circle Awards, isang prestihiyosong award-giving body na binubuo ng mga guro, professors, at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas.

Si Coco ay itinanghal na Best Television Drama Actor of the Year samantalang si Kim ay itinanghal na Most Influential Actress in A Film. Coco won for Juan dela Cruz while si Kim for Bride For Rent. Bukod dito ay nanalo rin sas isang online poll, ang 2nd Philippine Edition’s Icons of the Year, itinanghal na Male Showbiz Icon of the Year si Coco para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Samuel sa top rating teleseryeng Ikaw Lamang.

Ang sunud-sunod na parangal na inaani nina Coco, Kim at ng Ikaw Lamang ay isang patunay ng kanilang kahusayan bilang aktor at aktres sa tinaguriang master serye sa Philippine Television. Napatili pa rin ng Ikaw Lamang ang posisyon bilang numero unong show sa Philippine television.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rodjun Cruz Dianne Medina

Rodjun deadma sa mga basher

MATABILni John Fontanilla NO pansin kay Rodjun Cruz ang mga basher at nagmemenod sa kanya sa pagiging …

Ferdie Topacio Bea Binene Yasmien Kurdi Myrtle Sarrosa Claudine Barretto

Claudine, Bea, Yasmine, Myrtle dream mapagsama ni Atty. Topacio sa isang pelikula 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pelikulang Spring Of Prague ay isang horror movie naman ang next movie …

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …