Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty Gonzales, puwedeng pumalit (Ngayong umayaw na si Cristine sa pagpapa-sexy…)

080314 Beauty Gonzales cristine reyes
ni Timmy Basil

ANG  laki ng transformation ni Beauty Gonzales kung ikukompara noong  nasa loob pa siya ng PBB House as teen housemate. Noon kasi ay medyo chubby si Beauty pero ngayon, seksing sexy na siya. Katunayan, isa siya sa umani ng malakas na tilian nang rumampa sa FHMparty kamakailan.

Lalong  hahangaan ang magandang hubog ng katawan ni Beauty dahil siya ngayon ang pabalat ng FHM magazine.

Nasilip ko na ang magazine na cover si Beauty, akala mo isa siyang foreign model, naka-black 2 piece siya at pang-model talaga ang dating.

Sinasabi ni Cristine Reyes na sawa na siya sa pagpapa-sexy, iiwanan na niya ito although may mga nabanggit siyang artista na posibleng pumalit sa kanya.

Hindi niya nabanggit ang name ni Beauty pero sa totoo lang, puwede talaga siyang pumalit kay Cristine.

Nakatutulong talaga sa career ni Beauty ang kanyang pagpapa-sexy dahil binigyan siya ng  magandang role  sa Moon of Desire at sa tingin ko, sooner or later ay bibigyan ng Dos si Beauty ng solo starrer, mark my word.

INC, BINATI NI OBAMA

KATOLIKO ako pero walang piring ang aking mga mata, kung may isang religious group na sa tingin ko kapuri-puri ang ginagawa, ito ay ang Iglesia Ni Cristo na nakasungkit ng 2 Guinness World records kamakailan in connection with their centennial celebration.

Napanood ko rin ang stage play ng mga miyembro ng INC na ginanap sa Philippine Arena na napanood ng live via INCtv at pang-Guinnessdin ang naging performance nila, ang daming cast na sa tingin ko ay umabot din ng libo,  ni walang nagkamali sa kanilang dialogue, ang ganda ng pagkakanta, ang ganda ng narration, halos lahat ng performers may lapel pero ‘di ko man lang naringgan na may nag-feedback sa mic,  ang lights superb, grabe, saludo ako sa kanila.

Na-imagine ko kung paano  ang naging rehearsals niyon to think na ang daming characters,  ang daming scene,  pero sa final performance, very smooth , walang nagkamali maging ang dancers okey.  May isa pa silang kanta na  isinalin nila sa iba’t ibang lengguwahe, ang galing.

At ito pa, binati sila ni US Presidente Barrack Obama for their Centennial celebration.

Nakabibilib ang INC, palibhasa nagkakaisa talaga sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …