Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunday noontime show ng GMA, inilipat ng ibang oras (Dahil ‘di makaalagwa sa ratings)

080114 Rochelle Pangilinan

ni James Ty III

IPINAKITA ni Rochelle Pangilinan ang bago at mas seksing pigura noong Linggo ng hapon nang siya’y nanguna sa autograph signing ng sikat na men’s magazine sa Robinson’s Galleria.

Cover girl si Rochelle ng magasin ngayong buwang ito kaya excited ang dating pambato ng Sex Bomb Girls nang humarap siya sa mga barakong nais magpapirma sa kanya.

Katunayan, kitang-kita ang maitim na balat ni Rochelle sa kanyang suot na bareback dress at sapatos na parehong orange ang kulay.

“Matagal na nga akong naghintay bago nag-pose ako ulit sa FHM,” say ni Rochelle sa amin. ”Kaya nagpapasalamat ako sa FHM dahil malaki ang tiwala sa akin.”

Itinanong din namin kay Rochelle ang reaksiyon niya sa patuloy daw na sumasadsad na rating ng kanyang noontime show.

Ilang linggo nang nagdesisyon ang GMA na ilipat ang naturang noontime show sa sobrang late na oras na 1:45 ng hapon dahil daw hindi ito maka-angat sa kalaban na ASAP ng ABS-CBN.

Isa si Rochelle sa mga inaasahan kung seksing sayaw ang pag-uusapan lalo na’t itinatapat siya ng Siete kay Maja Salvador ng Dos.

“Basta kami sa Sunday All-Stars, tuloy kami sa trabaho,” dagdag ni Rochelle. ”Sa akin naman, relax muna kami and at least, kahit late kami magsimula, may time kami na mag-rehearse ng mahaba.”

Bukod  kay Rochelle, nagpapirma rin ng mga kopya ang ibang mga cover girl tulad nina Erika Padilla, Maica Palo, Jahziel Manabat, Abby Poblador, at Aiko Climaco.

Natuwa silang lahat dahil ito ang unang beses na maraming cover girls ang isinabak ng FHM sa nasabing autograph signing.

Abala ngayon si Aiko bilang mainstay ng Banana Nite gabi-gabi sa ABS-CBNsamantalang aktibo sa modelling sina Abby at Jahziel.

Si Erika naman ay busy pa rin sa pagiging sportscaster ng PBA at katunayan, ipapadala siya ng TV5 sa coverage ng World Youth Games sa Tsina ngayong August.

Kinompirma ni Maica na sasabak siya bilang isa sa mga kasali sa bagong season ng The Amazing Race Philippines ng TV5 ngayong Setyembre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …