Gerald minsan nang naloko sa negosyo

Gerald Anderson

MATABIL
ni John Fontanilla

BAGO naging matagumpay sa pagnenegosyo si Gerald Anderson ay nagkaroon dinng pagkakataon na maloko ng kasosyo sa negosyo.

Nakuhanan ito ng salapi noong nagsisimula pa lamang niyang pinasok ang pagnenegosyo.

Hindi na lang nito pinangalanan ang taong nanloko sa kanya at kung magkanong halaga ang naloko sa kanya.

Ayon pa kay Gerald hindi talaga maiiwasan na may mga tao talagang magti-take advantage ng kabaitan ng isang tao.

Dagdag pa nito na sa pagnenegosyo, kailangan ng mga taong masisipag at mapagkakatiwalaang kasama sa negosyo at ang mga nawala ay babalik din.

Masyadong pinahahalagahan ni Gerald ang kanyang masisipag na staff sa kanyang negosyo at natutuwa ito kapag nakikita na okey at masaya ang kanyang mga staff sa kanyang pamamalakad.