MATABIL
ni John Fontanilla
NAKABIBILIB talaga ang sipag ng host & actor na si Toni Co dahil mula sa kanyang pagbabakasyon sa Korea kasama ng mga kaibigan ay diretso na ito sa taping ng kanyang online show na Talk Express Season 2 na napapanood sa KMD Studios FB Page.
Post nga nito sa kanyang Facebook, “From Korea, diretso taping agad for the 2nd Season of Talk Express! Walang pahinga!
“Thank you so much sa lahat ng guests namin—you know who you are! Grateful for your time and support in making this new season happen.
“And a big thank you also to KMD STUDIOS, MFP Rentals, VS Hotel Convention Center, and Erase Beauty Care for being part of our 2nd season!
“And lastly, maraming maraming salamat sa buong staff and crew ng Talk Express! Thank you for all your hard work, patience, and dedication. Hindi magiging possible ang lahat ng ito without you guys. Super appreciate you all!
Season 2, here we go!
#TalkExpress #TalkExpressSeason2 #ToniCo”
Bukod sa kanyang successful show ay tatanggap din ito ng award sa 4th Gawad Dangal Filipino Awards sa Oct. 23na gaganapin sa Admiral Hotel, Malate, Manila bilang Outstanding Talk Show Host of the Year.
