McCoy tinitiyak future ng anak na si Felize

McCoy de Leon Felize

MA at PA
ni Rommel Placente

SINGLE pa rin hanggang ngayon si McCoy de Leon, maging ang ex niyang si Elisse Joson ay loveless pa rin.

Kaya natanong ang aktor, kung posible bang ligawan niya muli si Elisse after ng dalawang beses nilang paghihiwalay.

“Hindi ko po alam, eh. Siguro ang Diyos na po ang makakapagsabi niyan, ‘di ba?

“Si God naman po talaga, and ako naman, priority ko ‘yung happiness ng baby ko. ‘Yun lang po talaga.

“Siyempre, nanay ng anak ko. Hindi naman maitanggi ‘yun na naging part siya sa career ko and same sa personal ko. Lagi naman siya may part doon,” sagot ni McCoy.

May isang anak sina McCoy at Elisse, si Felize. Maayos ang co-parenting set-up ng ex-couple para sa kanilang anak.

Sinisiguro ng aktor na hindi siya nagkukulang sa suporta kay Felize, at ginagawa niya ang lahat upang magampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang tatay.

“Ang baby ko, laging happy. Wala namang ano…wala namang kahit na anong…lagi ko siyang tinatanong, ‘Are you happy?’ ‘Yes, I’m happy, Daddy,’ ganyan,” kwento pa niya.

“Trying my best po (bilang tatay). Honestly, hindi pa naman din ako sanay and first time ko rin.

“May mga adjustment, pero hangga’t maaari, mahirap kapag ano sa panahon ngayon wala kang maibibigay. Mahirap ‘pag hindi gumagalaw.

“Inuna ko po munang ma-secure ‘yung future ng anak ko, kahit po hindi ko siya laging nakakasama.

“‘Yung school niya or kung ano ang puwede niyang….actually, iniisip ko ngayon, gusto ko siyang dalhin sa ibang bansa balang araw.

“Basta gusto ko secure ‘yung future niya, masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya. Kasi mahirap po talaga. Ang hirap po ng panahon ko ngayon,”  aniya pa.