Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan, klick magpatawa kahit bulol

072814 hawak kamay ryan bang Piolo Pascual

ni Letty G. Celi

AT least ang ganda ng bonding ng father and son  na sina Piolo Pascual at Inigo na kahit magkalayo sila noong bata pa ang bagets dahil sa States  nakatira, hindi naging dahilan para hind imaging close ang mag-ma.

Ngayong binata na si Inigo, magka-hawak kamay sila at walang iwanan.

Oo nga pala si Piolo ang adult star ng bagong series ng ABS-CBN, ang Hawak Kamay na umeere na at sure akong mababagabag ang ating damdamin dahil sa mga starring na bagets na sina Zaijian Jaranilla, Xyrille Manabat at Andrea Brillantes na crush si Daniel Padilla. Introducing ang pinakabatang ampon ni Piolo si Yesha Camile, 5years old lang pero matatas magsalita ng Tagalog bagamat taga-Davao.

Gulat kami sa batang ire, super daldal pero biritera, soprano na ang boses sa edad na 5. Tayong mga Filipino likas ang pagiging iyakin, at tiyak bagsak luha tayo sa Hawak Kamay. Eh, sa mukha lang ni Piolo, ‘pag tinitingnan mo maiiyak ka na. Siya ang umampon sa apat na bagets na siya ang magiging dahilan ng pagpatak ng luha natin sa mata.

Nagbabalik sa TV si Victor Neri, five years daw na out siya sa limelight  dahil nag-aral ng cooking at isa na siyang professional Chef at may sariling business, at ngayon after niyang matupad ang isang magaling na kusinero, magtayo ng sariling negosyo at medyo sulit na raw ang puhunan niya, nagbalik TV ang aktor. Handsome pa rin si Victor pero ang tsuba niya, reduce lang ‘yan, pre!

Other sa cast ng Hawak Kamay ay ang new face (maganda)na si Sofia Andrea, former PBB housemates na si Axel Torres,  ang mga love interest ni Papa P na sina Iza Calzado, Niki Gil. na pwedeng-pwede sa real life  na syotain  ni Papa P. who cares kung may Bf na si Iza, at si Nikky loveless pa rin pagkatapos ng break up nila ni Billy Crawford.

Pero ito ang magpapakuwela  sa series lalo na sa break time, ang Koreano na saludo ako at iba pa sa mga komedya niya  sa mga show niya ang Showtime at Banana Nite none other than Ryan Bangs, kesehodang bulol sa Tagalog, pero ang galing. Ang kwento kabag ang dala ni Ryan sa set ng Hawak Kamay puro tawanan kapag nagkuwento ang Koreanong bulol. Ututin daw ang mga kasama sa at si papa Piolo love si Ryan dahil sa pagpapatawa nito after daw ng crying scene.

At ang mga director na sina Jerry Sineneng, Ruel Bayani, at May Cruz tuwang-tuwa sa Koreano. Sure ‘pag may comedian role sa akin mang TV show nila  or movies, si Ryan na y’un. Grabe talaga ang anak-anakan ni Vice Ganda, naku, Ryan huwag mong pagandahin ang pagsasalita ng Tagalog, klik ka sa pagiging salita at I tell you, wala na halos  mga comedian  sa TV or movie or  mayroon man  kulang pa rin. Ikaw na ang magpuno.

GLENDA, GRABENG NANALASA SA LAGUNA

GRABE si Glenda, signal number 2 kaya ang Laguna kaya ang first night ni Glenda wala kaming tulugan. Ang lakas ng hangin sumusipol! Inatake kaya ako, taas ng BF ko baba ng sugar (fbs) sa takot. Eh, kasi naman apat lang ang kasama ko—ang pamangkin ko na bagets girl, ako lang ang eldest anuman ang mangyari, only Lord God Jesus knows alam ko hindi kami pababayaan. Dasal lang ang aking pananggalang kung anuman ang mangyari.

Pati soul ng mga dead love ones tinatawagan ko, si Rene knows ko na kasama namin siya. Ang yero ko sa kusina bumagsak kaya dinig ko  ang bagsak ng ulan, mala-water falls at bagsak ang kalahati ng bubong ng harapang bahay, tangay ang yero bagsak ang mga sampay na damit at mga bakal, Waley na!! Goodbye.. pero wala pong nasaktan sa mga bagets, BP at sugar ko ang bagsak! Pray tayo, hindi tayo pababayaan, hindi ako nagagalit sa nasira sa bahay ko, God given! Pero three nights no lights, no water, dito ako nagalit, pero after two days may water na kami, ok na ‘yun, salamat sa neighbor na si Jimmy, head ng COA Sta. Rosa branch, siya ang nagsadya sa Meralco San Pedro para magbalik ang lights sa Golden City.

Aba  magagalit ka kasi ang ibang phase ay may koryente na sa amin, hindi raw mapalitan ang naturang poste, dahil walang pampalit, ANO???!! Poon ang Meralco. Wala ka nga !! boom panes!! Pero heto nakagawa na ako ng column back to us ang lights.. salamat sa Meralco!! THANKS SIR JIMMY.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …