Thursday , June 4 2026

Pakikipagbati ni Marian kay Bela, ‘di raw totoo?!

072514 marian rivera bela padilla

ni Alex Brosas

INSINCERE ang tingin ng ilan sa pakikipagbati ni Marian Rivera kay Bela Padilla.

Umapir ang photo ng dalawa nang mag-guest si Bela sa dance show ni Marian. Ayun, kumalat na bati na nga ang dalawa.

Sadly, nega ang karamihang reactions sa pagbabati ng dalawa.

“Desperate times call for desperate measures lol,” komento ng isang fan.

Ang feeling naman ng isang maka-Bela ay ginawa lang ni Marian ang pagbabati “Para nga naman pag-usapan ang show ni Marian.”

“Buti naman. Feeling ko naman sincere ang pagbabati nila ni marian kasi pag ayaw ni Marian may say naman sya na hinde i-guest si Bela eh. Time heal all wounds. Mas ok na yan, hinde pilit ang pagbabati. Happy for them,” paniwala naman ng supporter ni Marian.

One guy praised  Bela and said, “Kudos to Bela for not holding a grudge even if she was locked in the bathroom. Would have been admirable on Marian’s part if there was no dance show involved.”

KRIS, PINAGLARUAN SA ISANG WEBSITE

NALOKA kami nang mabasa sa isang very popular website ang paglalarong ginawa kay Kris Aquino. Kumalat sa  social media at naging viral sa Facebook ang isang story involving Kris.

Sa nabasa naming article ay nakalagay ang story sa GMA News Online ang nakakalokang headline na “Overflowing STD virus from Kris Aquino causes a stink at NAIA-1”.

Actually, kapag in-open mo naman ang link ng GMA News Online ay ibang story naman ang lumalabas, ang “Overflowing septic tank causes a stink at NAIA-1”.

Obvious bang pinalitan ang title ng story ginamit lang ang GMA News Online para bastusin si Kris. Masamang biro talaga ito para sa presidential sister, ‘no!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …