Thursday , June 4 2026

Back-to-back fans day ng Dyesebel at Ikaw Lamang, dinagsa

00 fact sheet reggeeDINAGSA ng libo-libong fans at TV viewer’s ang ginanap na back-to-back fans’ day ng dalawang top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang at Dyesebel.

Umapaw ang saya, kilig, at musika sa Market! Market! Activity Center noong Sabado at Linggo (Hulyo 5 at 6) sa mga sorpresang inihanda ng Ikaw Lamang stars na sina Coco Martin at Julia Montes at ng Dyesebel love team nina Anne Curtis at Gerald Anderson.

Kasama nina Coco at Julia noong Sabado ang official soundtrack singers ng Ikaw Lamang na sina Juris at Marion Aunor, samantalang kasama naman nina Anne at Gerald noong Linggo ang mga kaibigan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo.

071114 Ikaw Lamang Dyesebel
Ang master teleseryeng Ikaw Lamang at pinakabagong TV adaptation ng Mars Ravelo classic na Dyesebel ay parehong obra na nilikha ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena sa Dyesebel at Ikaw Lamang, gabi-gabi, sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dyesebel at Ikaw Lamang bisitahin lamang ang official social media accounts ng Dreamscape sa Twitter.com/DreamscapePH at Instagram.com/dreamscapeph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …