NAGIGING madalas ang panonood ng mga laro ng basketball ang 2014 Bb. Pilipinas Universe na si MJ Lastimosa.
Ayon sa aming nakausap, nagiging sweet na sweet si MJ sa basketbolistang si Alex Mallari ng San Mig Coffee.
Katunayan, nakita namin silang dalawang nagdi-date sa isang restaurant na malapit sa Mall of Asia Arena pagkatapos ng isang laro ni Alex sa PBA.
Kahihiwalay lang si Alex sa kanyang dating kasintahan kaya nahanap siya kaagad ng kapalit sa katauhan ni MJ na nanalo bilang Bb. Pilipinas Universe noong Abril.
Nalaman din namin na ang player mismo ang nagbibigay ng tiket kay MJ para manood ang mga laro.
Si MJ ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taong ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang tinatanggap na pahayag mula sa pamunuan ng Bb. Pilipinas kung saan at kailan gagawin ang coronation night nito.