Thursday , June 4 2026

Daniel at Kathryn, gagamitin ng pbb para mag-rate? (Face off nina Kathryn at Jane, posible)

ni Alex Brosas

HINDI kaya magkaroon ng face off sina Kathryn Bernardo at Jane Oineza?

Kalat na kalat na sa social media na dadayuhin nina  Kathryn at Daniel Padilla ang Bahay ni Kuya.

Mayroonh issue ngayon kina Kathryn at Jane dahil sa isang episode sa Bahay ni Kuya ay ibinuking ni Jane na nagparetoke ng cheekbones si Kathryn.

Kung matutuloy ang pagbisita nina Kathryn at Daniel sa Bahay ni Kuya, komprontahin kaya ng dalaga ang kaibigan niya dahil sa ibinuking nito ang sikreto niyang pagpaparetoke?

Kaya ba niyang gawin ‘yon on national television? Ang feeling namin ay hindi niya gagawin ‘yon dahil she will just dignify the issue kung gagawin niya iyon.

Isa pa, makasisira sa kanyang magandang image ang confrontation dahil lalabas lang na guilty siya.

Actually, bibisita sina Kath at Daniel sa Bahay ni Kuya dahil hindi naman nagre-rate masyado ang show.

Puro nega ang lumalabas na issue about the show lately at ang feeling namin ay gagamitin ang popularity nina Kath at Daniel para mag-rate ang show.

Sadly, hindi naman nakatulong si Alex Gonzaga sa programa kaya mas marami pa nga ang natuwa na inalis na siya sa show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …