Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diet, may misteryosong sakit daw kaya ‘di na aktibo sa showbiz?

ni Roldan Castro

ANG huling balita ay lilipat na sa Kapuso Network si Diether Ocampo pero patuloy ang pananamlay ng kanyang career at pananahimik?

Nasaan daw si Diether? Bakit hindi na siya visible pagkatapos ng  seryeng Apoy Sa Dagat?

Ano  ang nangyayari kay Diether?  Magaling pa namang artista pero bakit nawalan ng project? Totoo bang may sakit ito kaya nawawala sa sirkulasyon?

Ano naman ang misteryosong sakit ni Diet kung mayroon man?

Just asking?

CHRISTIAN, KUNTENTO SA IBINIBIGAY NA PROJECT NG GMA7

KUNTENTO si Christian Bautista kung anuman ang sinapit ng kanyang career bilang Kapuso star. Wala siyang pagsisisi na nag-ober da bakod mula sa ABS-CBN 2.

Inaalagaan naman daw siya ng GMA 7  at naka-isang taon na siya. May nalalabi pa raw siyang two years sa pinirmahan niyang kontrata.

Masaya naman daw siya na nabigyan siya noon ng seryeng With A Smile at napasok noon sa Party Pilipinas na napalitan na. Happy din siya sa reformat. Mas gumanda raw ang exposure niya at nakakakanta pa siya kasama ang songbird na si Regine Velasquez.

Alam mo na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …