Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eula at Dan, pantapat ng TV5 kina Louise-Aljur at Kathryn-Daniel loveteam

PATI sa mga loveteam ay ayaw pakabog ng TV5.

Kung mayroon daw Louise de los Reyes-Aljur Abrenica ang GMA at Kathryn Bernardo-Daniel Padilla ang ABS-CBN, may pantapat din daw ang Kapatid Network sa dalawang tambalang ito.

Sila lang naman ang prized homegrown artist ng estasyon na si Eula Caballero at Dan Marsh of Juan Direction.

Together in the weekly sitcom One of the Boys (tuwing Sabado, 8:15 p.m.), manhid na lang daw ang hindi makakahalata kung paanong mala-prinsesa kung pagsilbihan ng half-British na si Dan si Eula.

Suspetsa ng marami, Dan is out to outcompete Eula’s reported suitors na isang Brazilian model, isang basketball player at isang Kapatid talent.

At manhid na rin siguro si Eula if she cannot sense na ‘yung mga sweet nothings na ‘yon ni Dan are no indicators na nagpapalipad-hangin na ito.

Samantala, One of the Boys is consistently enjoying more than favourable ratings on the weekend primetime block.

SUFFER SIREYNA NG EAT BULAGA, NAKAAALIW DIN

BILANG isang late sleeper, therefore, late riser tulad namin ay manaka-naka lang naming nasusubaybayan ang nakaaaliw na twist sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.

Nagdagdag kasi ang nasabing noontime program ng search right on its remote location ng kakaibang bersiyon ng Super Sireyna Worldwide na kung tawagin ay “Suffer Sireyna.”

Ito’y parang wala namang screening na tinitipon ang mga bading, na malayong-malayo sa hitsura ng mga naggagandahan at mukhang babaeng Super Sireyna beauties na pinaglalaruan ng mga EB host na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

By pinaglalaruan, we mean clean fun. Nothing offensive despite the instant cash prize na may brutal pa for an ordeal na naipasa ng mga beki hopefuls.

Pansin lang namin, these past weeks ay paboritong gawing alyas ng mga bakla ang isang CPA (definitely not a certified public accountant, kundi currently popular actress).

Looks-wise, huwag na nating asahang those beki sireynas “in suffering” come even distantly close sa hitsura ng CPA. Pero in fairness, mukhang mababait at walang masamang buto sa kumekembot na katawan ng mga kauri natin.

ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …