Thursday , June 4 2026

Aktres nadale ng basag-kotse

ARESTADO ang dalawang lalaki makaraan tangayin ang P300,000 halaga ng mga gamit pampaganda na kanilang ninakaw mula sa sasakyan ng isang actress/tv host kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Giselle Sanchez, 42, ng New Manila, Quezon City .

Agad naaresto ang mga suspek na sina Roel Morales, 21, ng #165 Bayanihan St., Brgy. 152, at Manuel Madriaga, 28, ng #34 Intang St., Brgy. 155, kapwa ng Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Michael Olpindo, dakong 3:30 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa Macaneneng St. , Bagong Barrio. Salaysay ni Jack Rodriguez, driver ni Sanchez, ipinarada niya ang Nissan Urvan (ZDG-329) makaraan bumaba ang kanyang amo para sa isang timpalak-kagandahan sa nasabing barangay. Pagbalik niya ay nakita niyang basag na ang bintana ng sasakyan at papatakas na ang mga suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …