INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District Kamuning Police Station (PS10), ang nagpakilalang doktor, makaraang ireklamo ng 19- anyos dalaga dahil sa pag-upload ng kanilang sex video sa internet.
Kinilala ni Supt. Lemuel Obon, ang suspek na si Christian Betita, 29, re-sidente sa Old Balara.
Si Betita ay inaresto bunsod ng reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Linda, kaugnay sa paglabag sa anti-cyber law.
Sa ulat ng pulisya, dakong 4 p.m. kahapon nadakip ang suspek sa isang entrapment operation sa isang convenience store, kanto ng Quezon Avenue at Don A. Roces Avenue, Bryg. Paligsa-han.
Ayon sa biktima, nakipagkita siya sa suspek dahil sa bantang ikakalat ang kanilang sex video lalo’t nalaman niya mula sa mga kaibigan na napanood nila ang sex video sa internet.
Dagdag ng biktima, limang buwan palang ang kanyang relasyon sa suspek nang mag-18-anyos siya.
Pero bago ang pagkikita, nagtungo ang biktima kasama ang kaanak sa pulisya at humingi ng tulong kaya naisagawa ang entrapment.
Sa panig ng inakusahan, kanyang pinabula-anan ang akusasyon.
(Almar Danguilan)