MAHALAGA sa sex kung anong uri ng silid-tulugan mayroon kayo. Kung nais ng mas mainit na pakikipagtalik, kailangang bigyan ang inyong silid-tulugan ng ‘sex makeover.’ Sundin ang sumusunod na limang simpleng hakbang para magawa ito at mapainit ang inyong sex life ngayon din.
Bedroom Sex Makeover Step 1 – Bumili ng kandado
Pano gaganahan kung hindi mo magawang magwala o gawin ang anomang maisip? Para maiwasan ang pasikretong lovemaking, kakailanganing bumili ng kandado para sa inyong silid-tulugan. Kung ayaw naman masira ang inyong pintuan, maaaring bumili ng temporary na kandado. O kung nais na maging permanente ito, mainam na gumamit ng mortice latch. Perfect ito para sa mga internal door at mura rin ang presyo. Bukod dito, pupuwede pa rin gamitin ang hawakan ng inyong pintuan. Sa sandaling ligtas na sa aksidenteng pagpasok ng sinuoman, safety at magiging libre na ang inyong pa-kikipagtalik para gawin o subukan ang anomang posisyon na nanaisin.
Bedroom Sex Makeover Step 2 – Pahalagahan ang amoy
Para gawing perfect-for-sex ang inyong silid-tulugan, kailangang pag-isipan kung ano amoy nito. Ang pang-amoy ay isa sa pinakamakapangyarihan sa ating senses at kung magagawang maging amoy seductive ang inyong bedroom, malamang na magiging kaaya-aya ito para sa sex. Para ma-turn on ang mga guys, kaila-ngang mag-invest sa vanilla-scented na mga kandila. Ang vanilla ay natural na libido booster, na nagpapakalma sa kalalakihan at nakababawas sa kanilang mga inhibition. Magsindi ng mga kandila 15 minuto bago humiga sa kama para matiyak na nagkalat na ang amoy nito sa buong silid. Para ma-turn on naman ang mga girls, kailangan bumili ng mga nagpapakalmang amoy, tulad ng lavender. Sa pag-destress ng inyong partner na babae, matitiyak na mababawasan ang stress hormone na cortisol. Lubhang napakasama ang hormone na ito para sa inyong love life dahil pinabababa nito ang libido ng kababaihan. Gumamit ng lavender linen spray sa inyong kumot at mga unan. (Tatapusin bukas)
Kinalap ni Tracy Cabrera