Thursday , June 4 2026

Ai Ai, may pinatatamaan sa — Ayokong partner ‘yung may asawa, ayokong manira ng pamilya

ni Roldan Castro

MAY pinatatamaan kaya si Ai ai delas Alas sa sinabi niyang mas gusto niya ng bata kaysa mamili ng matanda pero sumisira ng pamilya?

“Eh, usually naman mas bata sa akin. Ayoko namang partner ‘yung matanda pero may asawa naman. Ayoko manira ng pamilya. Sa batang  binata ako na walang sisiraang pamilya,” bulalas niya sa launching ng ini-endorse niyang Femilift machine ng Belo Medical  Group.

Bagamat endorser si Ai Ai ng pussykip, ipinangalandakan ni Dra. Vicki Belo na hindi pa naman maluwang ang ‘flower’ ng Comedy Queen.

Sey naman ni Ai Ai, masikip daw ang ‘chever’ niya dahil matagal nang walang gumagalaw sa kanya.

“Kaya ko tinanggap  na mag-endorse nito dahil masyado akong confident na alam kong masikip ako.Gusto ko lang mas pasikipan pa,” deklara niya.

Masikip na pala siya bakit kailangan pa niyang magpa-pussykip?

“’Pag dumating ‘yung time na ‘yung la­laking darating sa akin, na susunod na magiging boyfriend ko… for example, bata siya, ‘di ba? Para kumbaga, happy naman siya sa akin,”katwiran niya.

Sinabi pa ni Dra. Belo na parang pang-18 years old ang keps ngayon ni Ai Ai. Pero sagot ni Ai Ai mga 20 naman.

Nang gawin ang procedure ng Femilift kay Ai Ai ay inamin ng komedya na parang nag-o-orgasm ang pakiramdam niya. Wala raw pain.

“Parang may ipinasok, pero parang wala,” bulalas pa niya.

Sinabi rin ni Dra. Belo na hindi puwedeng makipag-sex ng tatlong araw pagkatapos sumailalim sa ‘pussykip’.

Tinanong si Ai Ai kung sino sa mga kaibigan niyang artista ang yayayain niyang magpa-pussykip. Irerekomenda raw niya ito sa mommies sa Dyesebel na sina Dawn Zulueta, Eula Valdez, at Zsa Zsa Padilla.

“Sasabihin ko magpa-pussykip sila dahil ako ang leader ng pussykip dolls,” tumatawa pa niyang pahayag.

Ready na ba siyang magkaroon ngayon ng seryosong relasyon lalo’t feeling virgin siya. Date-date muna raw ang gusto niya.

Sino kaya ang masuwerteng guy na makaka-devirginize kay Ai Ai?

“The Search is On,” natatawang sagot ng Comedy Queen.

Pero kung pamimiliin siya sa mga artistang gustong makatikim ng masikip na mundo Ai Ai. Ito’y sina Dennis Trillo, Gerald Anderson, at Enrique Gil.

Panalo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …