Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robi, pumalpak sa pagho-host ng Miss Earth-Philippines

ni Roldan Castro

BAGAMAT para sa amin ay may potensyal si Robi Domingo bilang host sa TV shows at events, nakatikim din siya ng pamimintas sa nakaraang Miss Earth-Philippines sa social media. Nagtipid daw ba ang naturang pageant at hindi man lang kumuha ng de-kalibreng host?

Busy daw ba sina Luis Manzano, Atom Araullo, Piolo Pascual, Apa Ongpin o Marc Nelson na lang?

Napanood namin ang effort ni Robi na maging matino ang kanyang hosting job sa nasabing pageant pero may pumuna rin na grating ang boses. Masakit daw sa tenga!

Napansin din na may mga pagkakataon na natetensiyon siya sa pagho-host kaya pati pangalan ng judge ay hindi niya nabigkas ng tama. Kitang-kita rin sa facial expression niya na  minsa’y hindi siya komportable habang binabasa ang spiels.

Next time, mas kailangan ni Robi na mag-relax para maayos ang pagbigkas niya ng mga salita.

SAM, TIPO NG GLOBE FUSION NA MAGING ENDORSER NG KANILANG PRODUKTO

BAGO nagkaroon ng koronasyon ang Miss Earth Phillippines 2014 ay nagkaroon kami ng chance na makatsikahan ang mga kandidata nila sa imbitasyon ng Globe Fusion, Inc. at Eight TriMedia Pro ni Ms. Kaye Dacer ng DZMM Teleradyo para sa launching ng Aura Skin Nutrition System.

Naitawid  ni Ms. Kaye  ang pagsuporta sa mga event na sa tingin niya ay may magandang layunin. Tulad na lamang ng Miss Earth Philippines 2014. Todo ang support nila kasama ang partner niyang Global Fusion.

Buong ningning na sinabi ng mga kandidata na nasubukan na raw nila  ang Aura Soap na lalong nagpatingkad sa kanilang kagandahan.

At maganda rin siguro kung ialok ni President Rico Uy ng Globe Fusion at ni Ms. Kaye kay Miss Philippines Earth 2014 Miss Cebu, Jamie Herrel na i-endorse ang Aura.

Si Sam Pinto naman ang bet ni Mr. Uy na artista na mag-endorse nito ‘pag kukuha sila ng celebrity endorser.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …