Thursday , June 4 2026

3 patay, 13 sugatan sa bus vs truck sa Quezon

TATLO ang patay habang 13 ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at truck kahapon ng madaling-araw sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Tiaong Police, ang Manila-bound Raymond bus ay bumangga sa 10-wheeler truck sa Diversion Road, Brgy. Lalig dakong 12:30 a.m.

Agad binawian ng buhay si Precious Dennise De Roma, 13-anyos, at dalawa pang biktimang hindi pa nakikila.

Isinugod ang mga sugatan sa pagamutan sa Tiaong at San Pablo City, Laguna.

Ayon kay PO2 Niño Narvaez ng Tiaong Police, tumakas ang driver ng truck makaraan ang insidente.

Habang ang bus driver na si Elizalde Ibias ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang ulat na sinasabing nakatulog ang driver ng truck nang maganap ang insidente.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …