Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, papasok sa Bahay ni Kuya

John  Fontanilla

MAGIGING happy  ang mga tagahanga ng maituturing na pinakasikat na teenstars sa bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil balitang baka pumasok ang dalawa sa Bahay ni Kuya (PBB house), ayon na rin sa official account  ni Direk Laurenti Dyogi (ABS-CBN TV Production Head).

Masyadong na-miss na raw kasi ng mga tagahanga nito ang mapanood ang dalawa sa panggabing palabas sa ABS-CBN lalo na‘t tapos na ang kanilang top rating show na Got To Believe kaya naman kung magkakatotoo ito ay pihadong mas taas ang rating ng nasabing reality show ng Dos sa rami ng followers ng dalawa.

Bukod kina Kathryn at Daniel baka pumasok din daw sa Bahay ni Kuya sina Coco Martin, Sarah Geronimo, John Loyd Cruz, at Sandara Park . Pero sa mga nabanggit na pangalan, nangunguna na si Kathryn sa nagpahayag ng pagkagusto na pumasok at subukan ang buhay sa loob ng Bahay ni Kuya.

Tweet nga ni Direk Laurenti, ”Daming wish list na celebrity guests sa PBBALLIN. Hoping for kathniel, Coco Sarah, JLC [John Lloyd Cruz] and Sandara [Park]. Let‘s wait n see.”

Ang tanong, bukod kay Kathryn sino pa sa mga nabanggit ang willing na pumasok sa Bahay ni Kuya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …