Thursday , June 4 2026

Karibal sa tong tinarakan

PATAY ang isang lalaki nang tadtarin ng saksak ng kanyang karibal sa ‘tong’ sa padyak drivers sa tapat ng isang KTV bar sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang  alyas Baho, 40-anyos, ng Brgy. North Bay Boulevard South sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naaresto ang suspek na si  Joma Sta. Maria, 37-anyos, ng 19 M. Aquino St., Brgy. Niugan, Malabon City na nahaharap sa kasong murder.

Sa ulat nina PO2 Exequiel Sangco at PO3 Allan Ogatia, kapwa may hawak ng kaso, dakong 1:30 a.m. nang maganap ang krimen sa tapat ng Baron KTV Bar sa nasabing barangay.

Naglalakad ang biktima nang makasalubong ang suspek na agad siyang hinalihaw ng saksak at hindi na nakapanlaban.

Nabatid na matagal nang may alitan ang biktima at suspek dahil gustong angkinin ni alyas Baho ang ‘lagay’ ng mga padyak driver na pumapasok sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) ng lungsod.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …