Thursday , June 4 2026

Alex, makatagal kaya sa mga ipagagawa ni Kuya?

James Ty III

MARAMI ang nagulat nang biglang inilagay si Alex Gonzaga sa Bahay ni Kuya bilang isa sa mga 18 housemates sa Pinoy Big Brother All In na inilunsad  kamakailan sa ABS-CBN.

Tinaguriang “Sassy Sister ng Rizal” si Alex nang siya’y ipinasok sa Bahay ni Kuya nina John Prats at Robi Domingo at pati ang kapatid niyang si Toni ay nagulat din sa Big Revelation ni Big Brother.

Sa mga social networking sites ay marami ang  bumatikos sa ABS-CBN dahil sa tila’y pagiging scripted ng PBB ‘di tulad noon nang talagang mga ordinaryong tao ang nakapasok sa Bahay ni Kuya.

Pero ngayon, marami ang nakapansin na ang mga bagong housemates ay may kaunting koneksiyon sa showbiz tulad ni Alex na nakabalik sa ABS-CBN noong isang taon pagkatapos na sandali siyang gumawa ng teleserye sa TV5.

Kaya sa tingin ng marami, sayang ang pagpila ng ilang mga gustong mag-audition sa PBB sa Araneta Coliseum kamakailan dahil nauwi sa wala ang kanilang paghihirap dulot ng mga housemate na tila may koneksiyon sa showbiz.

Tutal, naging daan ang PBB para makapasok sa showbiz ang ilang mga Kapamilya stars tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Sam Milby. Nangyari na ang surprise revelation sa PBB nang biglang naging housemate si Mariel Rodriguez noong 2007 sa Celebrity Edition kahit nauna siyang naging host nito.

Well, talagang nakakaloka na ang mga reality show ngayon dahil sa mga sorpresa tulad ng nangyari kay Alex sa PBB. Tingnan natin kung makakaya niya ang mga paghihirap sa loob ng Bahay ni Kuya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …