Thursday , June 4 2026

Casts ng Ikaw Lamang, pinag-uusapan ang mga performance

ni  Reggee Bonoan

HINDI lamang number one teleserye ngayon ang Ikaw Lamang. Trending topic din gabi-gabi ang performance ng cast.

Sa totoo lang, this is one teleserye na bawat galaw ng karakter ay pinag-uusapan. Lahat ng mga karakter ay nagsa-shine at pinupuri.

Sa palengke, sa grocery, sa school, at mga opisina ay pinag-uusapan ang mga karakter ‘tulad nina Samuel, Isabelle, Franco and Mona. Pati ang mga senior cast nito ay nakatitikim din ng papuri they have never experience before.

Napakahusay nina John Estrada, Angel Aquino, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Cheri Gil, at Tirso Cruz III.

Consistent sa trending topic si Mona (Julia Montes) at si Franco (Jake Cuenca). Mismong siClaudine Barretto ay napansin ang husay ni Julia. Si Jake ay pinupuri ng senior co-stars niya sa mahusay niyang pagganap.

Ikaw Lamang is one teleserye in primetime na consistent ang story, performance ng cast at ganda ng buong production. Kung cast na ng Ikaw Lamang, hindi puwedeng petiks dahil tiyak na lalamunin ka ng ibang cast sa pansitan.

Sa husay ng lahat ng cast ng Ikaw Lamang, tiyak na sila-sila rin ang maglalaban-laban sa acting awards for TV sa susunod na awards season.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …