ni JAMES TY III
BUKOD sa telesine ni Sarah Lahbati, may bagong sitcom na ipapalabas ang TV5 sa Mayo. Magsisimula ito sa Mayo 3, Sabado, ang One of the Boys na bida sina Joey de Leon, Eula Caballero at ang bagong boy group na Juan Direction.Nang nakausap namin si Eula sa laro ng PBA kamakailan, sinabi niya na kakaiba ang role niya sa bagong sitcom.
“Tomboy na tricycle driver ang role ko. Si Tito Joey ang daddy ko,” sabi ni Eula. ”’Yung Juan Direction boys, leading men ko.”
Ayaw munang magkomento si Eula tungkol sa mga tsismis na isa sa mga miyembro ng Juan Direction ay may tangkang ligawan ang aktres.
Dating may karanasan si Eula sa pagpapatawa bilang mainstay ng Tropa Mo Ko Unli kaya umaasa siya na magiging matagumpay ang bago niyang sitcom sa Kapatid Network.