Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, ‘di pa alam ang diskarteng proposal na gagawin kay Bea

ni  Roldan Castro

THREE years na ang relasyon nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Paulit-ulit na lang na tinatanong kung kailan sila pakakasal. Kailan niya paplanuhin ang pagpo-propose kay Bea para lumagay na sila sa tahimik.

“Hindi ko pa pinagpaplanuhan kung paano ko siya gagawin. Kung paano ang diskarte sa mga ganyang klaseng proposal. Kasi, hindi ko pa rin nagagawa. So, hindi ko siya talaga maintindihan kung paano ko paplanuhin. Siyempre, gusto ko espesyal, ‘di ba?”tugon ni Zanjoe nang makatsikahan namin sa taping ng Banana Split: Extra Scoop.

Mabuti’t hindi nakakaladlad ang dalawa sa mga selosan.

“Nandoon lang ‘yung tiwala sa isa’t isa. At ako, nandoon lang din ang tiwala ko sa kanya, ibinibigay ko talaga,” mabilis niyang sagot.

Never daw natukso si Zanjoe sa ibang babae mula nang maging sila ni Bea. Sa sobrang busy nila, wala na rin silang time na makagawa ng ibang bagay o mapasok sa kung saan-saan man na isyu.

Buong ningning na sinasabi ni Zanjoe na 100 percent siyang loyal kay Bea.

Tungkol naman sa kasal nila, mahaba-habang proseso pa raw ‘yun. Marami pa raw siyang obligasyon at si Bea naman ay marami pang gustong gawin. Wala pa ngayon sa tamang panahon.

Kung hindi ngayon, kailan? Chos!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …