Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, bantay sarado kay Pauleen (Lagi raw kasama sa taping)

ni  Reggee Bonoan

SOBRANG in-love at feeling wife o hindi busy sa career niya si Pauleen Luna kaya may panahon siyang samahan ang boyfriend niyang si bossing Vic Sotto sa lahat ng tapings nito?

Nasa isang event kami nang marinig naming nagtsitsikahan ang mga taga-production ng Who Wants To Be A Millionaire na bantay-sarado raw ni Pauleen si Vic habang nagte-taping ng nasabing game show ng TV5.

Narito ang takbo ng usapang narinig namin, “kaloka si Pauleen ‘no?  Hindi ba busy ‘yun?  Parating nakabantay kay bossing Vic sa tapings. Nandoon lang siya nakaupo sa hagdanan, parang one of those lang. Sana man lang nasa dressing room siya, kaso nasa isang sulok.”

Sagot naman ng kausap, “eh, baka gusto rin ni bossing ‘yung bantay-sarado siya, ‘di ba ganoon naman ang mga Sotto, gusto laging kasama ang love of their life?”

Gusto sana naming sumingit ateng Maricris sa tsikahan kaso baka makahalatang nakikinig kami, ha, ha, ha.  Eh, tiyak knows na nila ngayon kasi isinulat ko.

Sa ganang amin, eh, baka nga iyon din ang gusto ni bossing Vic na kasama niya si Pauleen kasi nga may time silang mag-bonding kapag break time dahil alam naman nating super busy din ang TV host.

Anyway, ano nga ba ang shows ni Pauleen maliban sa Eat Bulaga, ateng Maricris? (May teleserye ‘ata sya na pareho ng format ng serye ni Angel Locsin, The Legal Wife—ED)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …