Saturday , May 18 2024

Boone import ng Beermen

ISANG lehitimong  beterano ng National Basketball Association ang pinapirma ng San Miguel Beer bilang import para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Miyerkoles, Marso 5.

Si Oscar Josgua Boone ang siyang aasahan ng Beermen  sa kanilang hangaring makabawi buhat sa mapait na karanasan sa huling dalawang conferences.

Sinabi ni coach Melchor Ravanes na impressive si Boone at magiging maganda ang team-up nila ni June Mar Fajardo sa shaded area.

Si Ravanes ay humalili kay Gelacio Abanilla III na siyang gumiya sa koponang dating kilala bilang Petron Blaze sa nakaraang dalawang conferences.

Umabot ang Petron sa Finals ng Governors Cup subalit natalo sa San Mig Coffee.   Sa nakaraang Philippine Cup ay natalo ang Petron sa Rain or Shine, 4-1 sa semis.

Si Boone ay produkto ng University of Cennecticut Huskies na tumalo sa Georgia  Tech sa Finals ng 2004 US NCAA. Siya y pinili ng New Jersey bilang 23rd pick overall sa 2006 Annual Draft.

Sa apat na taong paglalaro sa NBA, si Boone ay may career average na 5.2 puntos at 4. rebounds sa 17.5 minuto sa 256 games.

Matapos ang stint sa Nets, si Boone ay naglaro sa Iowa Energy sa NBA D-League at sa Zheijang Golden Bulls sa Chinese Basketball Association.

Ayon sa NBA registry, si Boone ay may tangkad na 6-10 subalit kompiyansa si Ravanes na lulusot ito sa 6-9 height limit na itinakda ng PBA para sa mga koponang nakarating sa quarterfinals ng nakaraang Philippine Cup.

Ang dalawang koponang hindi umabot sa quarterfinals ay pinayagang kumuha ng import na may tangkad na 6-11.

Bago pinarating si Boone ay  nagsagawa ng trades ang San Miguel Beer at kinuha si Rico Maierhofer buhat sa Barako Bull at Solomon Mercado buhat sa Global Port.

Pinakawalan ng Beermen sina Alex Cabagnot na ngayon ay nasa poder ng Batang Pier at Jason Deutchmann na napunta sa Energy.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *